Noong October 6, 2023, pinangunahan ni Congresswoman Lani M. Revilla at Board Member Ram Revilla ang Inauguration & Ceremonial Blessing ng covered court ng BF Topman Homes II, Soldiers Hills, Barangay. Molino VI, Bacoor City, Cavite.
Isa sa proyektong tinutukan ni Cong. Lani M. Revilla ang covered court ng BF Topman Homes II, Soldiers Hills dahil matagal na itong pangarap ng mga Home Owners na magkaroon ng maganda at maayos na pagdadausan ng mga pagpupulong lalo na pagdating sa sports.
Ang proyektong ito ay pinagtulungan ni Cong. Lani M. Revilla, Sen. Ramon “Bong Revilla” Jr., Agimat Partylist Cong. Bryan Revilla, Board Member Ram Revilla, Mayor Strike B. Revilla, Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola at sa pakikipag tulungan ng Department of Public Works and HIighwas (DPWH).
Nagparating naman ng mensahe si Mayor Strike B. Revilla sa katauhan ni Ms. Kaye Sanchez na patuloy ang programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod para tugunan ang pangangailangan ng mga Bacooreño. Isa nanga rito ang pagbabalik ng Libreng Sine para sa Senior Citizen at Pwd, at Libreng Sakay para sa lahat ng mga Bacooreño. Maari narinig kumuwa ng Solidarity Sticker at maaari naring mag aplay ng SBR Card sa Main Square Mall. Binuksan narin ang B.O.S.S o Bacoor One Stop SHOP na makikita sa SM City Bacoor na ang ibang ahensya ay don narin makikita. Ilan lamang ito sa gustong iparating ni Mayor Strike sa mg Bacooreño.
Sa huli, ang pamunuan ng BF Topman Home II, Soldiers Hills sa pangunguna ni Pres Teresita Calungsod gayun din ang Pamahalaang Barangay ng Molino 6 sa pangunguna ni Kap. Ronald Javier ay nagpapasalamat kay Cong. Lani M. Revilla, Mayor Strike B. Revilla at sa lahat ng opisyal na patuloy na nakasuporta sa mga programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!