Isa sa ating mga motto ang “Health is Wealth” kaya noong October 06, 2023 sa pangangasiwa ng Human Resources Development & Management Department (HRDMD) sa pangungana ni Ms. Natividad Ople ay sinimulan ang dalawampung minuto na Ehersisyo na ginanap sa City Hall Lobby.
Ito’y alinsunod sa ipinatutupad na Ordinansa ng Lungsod No. 293-2023 o ang (20 Minutes for Healthier Employees Leads To Quality Service) dahil layunin nito na masigurado ang malusog na pangangatawan dahil ito ang susi para sa mas maayos na pagseserbisyo para sa mga mamamayang Bacooreño.
Ginagawa ito tuwing 10:00 AM ng umaga at 3:00 PM ng hapon. Dagdag pa rito, pagkatapos ng 20 minutes exercise, ang HR ay naghanda rin ng mga tables at chairs kung saan maaring mamonitor ng mga empleyado ang kanilang Blood Pressure.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.