Noong January 12, 2024, tinanggap ng kabuuang bilang na 693 na Senior Citizens mula sa 8 barangays ng Lungsod ng Bacoor ang kanilang Social Pension.
Kasama sa mga barangay na ito ang Brgy. Alima, Banalo, Camposanto, Daang Bukid, Digman, Kaingen, Sineguelasan, at Tabing Dagat.
Ang programa na ito ay dinaluhan ni Ms. Khei Sanchez sa ngalan ni Mayor Strike B. Revilla, kasama ang City Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ms. Liliane De Roxas-Ugalde.
Para sa mga may katanungan ukol dito, mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa pangulo ng Senior Citizen sa inyong barangay.
Maraming salamat po.