Naging matagumpay ang pamamahagi ng Social Pension sa mahigit isang libo limang daang senior citizen sa 21 Barangay noong January 12, 2024 na ginanap sa Sineguelasan Covered Court, Zapote 1 Covered Court, Molino 3 Covered Court, Queensrow Central Covered Court. Ito ang unang baba ng DSWD sa Lungsod ng Bacoor para ibigay ang pinansyal na tulong na hinihintay ng mga senior pensioners.
Ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod at ng ina ng Lungsod Congresswoman Lani M. Revilla ay prayoridad ang kalusugan ng mga senior citizen sa Lungsod ng Bacoor.
Sa ngayon patuloy parin ang pag-sasaayos ng mga Data para mas matugunan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang mga social pensioners ng Lungsod.
Sa may mga katanungan tungkol sa social pension, makipag ugnayan lamang sa pangulo ng Senior Citizen sa inyong Barangay.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.