Nagpakita ng galing ang Bacoor Hope Children’s Chorus ng ganapin ang kanilang unang Concert sa Bacoor Government Center, Bacoor City.
Kasama sa nagbigay ng kanilang galing sa pag kanta ang DLSU Chorale, na tumayong kanilang mga Ate at Kuya sa larangan ng pagkanta.
Ang pagbigay ng mensahe ng ating butihing Cong. Lani Mercado – Revilla, ay nagdagdag inspirasyon sa lahat upang patuloy na pagbutihin ang kanilang pagkanta at maabot ang kanilang mga pangarap. Ang ating Deped officer na si Ms. Editha Gregorio ay natuwa dahil sa nakitang niyang buong suportang ng mga magulang at kapamilya ng miyembro.
Nagpasalamat si Dr. Tina Alberto sa walang sawang suporta na binibigay ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista- Mendiola at ang buong Sangguniang Panlungsod, para sa Bacoor Hope Children’s Chorus, gayun din ang mga sponsors,bisita at mga manonood. At higit sa lahat ang kanilang Choir Conductor na si Mr. Vell Litan.
Isang Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa lahat.