Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit, pamamahagi, pagbebenta, at paggawa ng anumang uri ng paputok na magdudulot ng kapahamakan sa ating mga kababayan.
PARUSA:
Php 3,000.00: Pag-aari ng mga Paputok
Php 5,000.00: Pagbebenta ng mga Paputok
Php 5,000.00: Paggawa ng mga Paputok
Para sa kaalaman ng lahat, narito ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok:
1. Rebentador
2. Plapla
3. Bawang
4. Watusi
5. Fountain
6. Sinturon ni Hudas
7. Ahas
8. Whistle Bomb
9. Milenyo
10. Goodbye World
11. Trumpilyo
Mangyaring sumunod sa ordinansa ng Lungsod upang mapanatiling ligtas at payapa ang ating komunidad. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.