April 4, 2024 – Ginawa ang seremonya ng Blessing at Inauguration ng dalawang
Multi-purpose Buildings: Barangay Extension at HOA Office sa Addas 1, Barangay San Nicolas 2. Ang mga proyektong ito ay inisyatibo ni Congresswoman Lani Mercado Revilla kasama ang DPWH.
Kasama sa mga pangunahing dumalo sa pagdiriwang sina Congresswoman Lani Mercado Revilla, Mayor Strike B. Revilla, Barangay Kapitan na si Kap. Jonnel T. Eusebio, Engr. Regine Estingor ng DPWH Cavite 3rd District Engineering Office, Ms. Jho Ricardo, Chief of Staff ni Congresswoman Lani Mercado Revilla, Ms. Aurora Macavinta ng Almakar Builders, Mr. Aries Launsing ng Libreus Construction and Supply, Pastor Sandy Buendia, at si Ms. Eliza Niveras, kinatawan ng Treasurer’s Office bilang kinatawan ni Hoa President Ruben De Costo. Kasama rin sa pagdiriwang ang mga opisyal ng Addas 1 Homeowners Association (HOA).
Ang dalawang Multi-purpose Buildings na proyekto ni Cong. Lani M. Revilla ay magbibigay ng mas malawak na espasyo para sa mga aktibidad ng HOA at Barangay Extension. Ito ay magdudulot ng mas magandang serbisyo at pagkakataon para sa mga residente ng Addas 1 na makilahok at magkaroon ng mga programa at proyekto na naglalayong mapabuti ang kanilang pamumuhay.
Sa pangunguna ng mga ito, nagkaroon ng Blessing at Inauguration ng dalawang Multi-purpose Buildings na maglilingkod bilang HOA Office at Barangay Extension. Sa mga talumpati, ibinahagi rin ang mga mahahalagang anunsyo tulad ng pagdiriwang ng kaarawan ni Congresswoman Lani, ang pagpapatupad ng Revilla Law, ang pagbabawal sa pagbebenta ng alak mula alas-10:00 ng gabi, ang curfew, ang pagsusuot ng facemask laban sa Pertussis Outbreak, ang Fire Safety, at ang El NiƱo.