May 07, 2024 – Isinagawa ang panunumpa ng mga Presidente ng mga Persons with Disability (PWD) mula sa 47 barangays sa Bacoor at ito ay pinangunahan ng Person with Disability Affairs Office (PDAO).
Kasama sa mga dumalo sa okasyon sina Mayor Strike B. Revilla, Konsehala Karen S. Evaristo, at Kap Jorwin Bautista, ang Pangulo ng Person with Disability Affairs Office (PDAO).
Ang pangunahing layunin ng okasyon ay ang panunumpa sa mga Presidente ng PWD na naglilingkod sa bawat barangay sa Bacoor. Ang panunumpa ay pinangasiwaan ni Mayor Strike B. Revilla, na nagpapakita ng suporta at pagkilala sa mga lider ng PWD sa lungsod.
Ang Lungsod ng Bacoor, sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, ay patuloy na nagtataguyod ng pantay na pagkakataon at pagkilala sa mga PWD. Ang panunumpa ng mga Presidente ng PWD ng 47 barangay ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapalakas ng boses at kapangyarihan ng mga PWD sa kanilang mga komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.