Pinangunahan ni Congresswoman Lani M. Revilla at ni Mayor Strike B. Revilla ang Blessing at Inauguration ng bagong Covered Court ng South Susana Home sa Barangay Molino 2. Ito ang proyektong pinag tulungan ng National & Local Government Unit sa pangunguna ni Congresswoman Lani M. Revilla.
Ang proyektong ito ay inisyatibo ni Cong. Lani M. Revilla para matulungan ang mga residente ng South Susana Homes dahil matagal na itong pangarap ng Homeowners Association na magkaroon ng isang covered court na magagamit para sa kanilang mga event at pagpupulong.
Ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ay nakasuporta sa mga proyektong makakatulong sa mga BacooreƱo.
Dumalo sa programa si Engr. Regine Estingor – DPWH Cavite 3rd District, Engr. Office, Ma’am Lorna Callado – Miclover General Construction, Pres. Atty. Abigail Bernardino – South Susana Homes, Kap. Mike Saquitan, Home Owner Association Officers at ibang NGO na patuloy na nakasuporta sa programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod.
Ang programa ay nag tapos sa mensahe ni Mayor Strike B. Revilla na patuloy na nagpapaalala ng mga ordinansa at pag-iingat hindi lang sa mga sakuna ( sunog ) at sa patuloy na paglaganap ng Pertussis sa ating probinsya at Lungsod.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!