Punong puno ng makabuluhang talakayan at diskusyon ang tatlong araw na Mandatory Training para sa mga bagong halal na Sangguniang Kabataan Officials at Local Youth and Development Council Members (LYDC), kung saan kanilang tinalakay ang iba’t – ibang mga gawain at responsibilidad na kailangan nilang gampanan bilang mga bagong lingkod-bayan.
Kasama sa mga usapin na ito ang Decentralization and Governance, SK History and Salient Features, Meetings and Resolutions, Planning and Budgeting, at marami pang iba.
Buo naman ang suporta na ibinigay ni Mayor Strike B. Revilla sa mga ito, kasama sina SK Federation President Mac Raven Espiritu, HRDMD Head Ms. Natividad Ople, LYDO Head Ms. Angie Cariaso, CLGO Officer Mr. Reginaldo S. Revilla of DILG – Bacoor, LGOO VII/Cluster Head Ms. Nencita N. Costelo of DILG – Cavite, at SK Secretary Josh McCarver of Barangay Molino IV.
Inaasahan na sa pagtatapos ng pagsasanay mula November 11 hanggang 13, mas magiging handa na ang mga bagong opisyales na harapin nang buong tapang ang kanilang panunungkulan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.