Panibagong Lunes na punong-puno ng saya sa ginanap na Regular Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office o CSWD na pinamunuan ni Ms. Liliane De Roxas Ugalde.
Sinimulan ito sa pambungad na pananalita ng isa sa konsehal ng District 2, City Councilor Rey Palabrica na sinundan naman ng intermission number na handog ng mga High School Students mula La Vlaze Integrated School bilang pakikiisa sa buwan ng 31st National Month 2023 na may temang “Healthy, Nourished, Sheltered, Ensuring thr right to Life for all.”
Sinundan naman nito ng Audio Visual Presentation ng CSWD at Video Message ng Guest Speaker na si Undersecretary Angelo Tapales, Undersecretary of the Council for the Welfare of the Children.
Namahagi naman DSWD Region IV-A sa pamamagitan ng City Government of Bacoor ng mga Hygiene Kit para sa 50 na benepisyaryo ng Comprehensive Program for Children and Families at Risk on the Street.
Binigyang parangal naman ang mga nagboluntaryo para maging maayos ang naganap na Barangay at SK Election at Oplan Undas na pinangunahan naman ng Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office o BDRRMO.
Pinasaya rin ng CSWD – Community Kitchen Staff ang mga dumalo sa pamamagitan ng kanilang masaya at masiglang intermission number.
Bagama’t wala man ang alkade ay nagpaabot naman ito ng mensahe sa pamamagitan ng pagbahagi ni Vice Mayor Rowena Bautista – Mendiola ng mga kaganapan patungkol sa Bacoor at ito ay ang mga sumusunod:
•Children’s Month Celebration
•Seal of Child-Friendly Local Governance Award
•Common Skin Diseases Lecture
•Pamamahagi ng bigas, grocery packs, at financial assistance sa mga nasunugan, informal settlers, at apektado ng government projects
•Localized Kilos Unlad Training (LOKUT) ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program Region 4A
•7S Seminar bilang bahagi ng ISO certification
•Sangguniang Kabataan Mandatory Training
•Ginawaran ang Bacoor bilang Top 2 Filer – Component City sa National Level ng Cities and Municipalities Competitiveness Index
•Pagkilala sa 3rd Cavite Cities and Municipalities Competitiveness Index Provincial Post-Evaluation and Recognition: Rank 2 on Innovation, Rank 2 on Government Efficiency, Rank 3 on Infrastructure, at Rank 2 on Top IP Filer (National Level)
We Strike As One!
Dito sa Bacoor! At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.