Alinsunod sa Executive Order No.39 na inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Agosto 31, 2023 ukol sa Imposition of Mandated Price Ceilings on Rice, ang presyo ng Regular Milled Rice ay nagkakahalaga ng 41 pesos per kilo at 45 pesos per kilo naman ang Well-Milled Rice.
Kaya naman ang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola ay nagsagawa noong September 15, 2023 ng inspeksyon sa mga presyo ng bigas sa Zapote Public Market. Kasama sina Lucel Anselmo (DTI Bacoor Representative), Hon. Alde Pagulayan, Hon. Obet Advincula, Hon. Adriel Gawaran, Hon. Mike Solis, Hon. Rey Fabian, Hon. Monching Bautista, Hon. Simplicio Dominguez, Mr. Christian Gawaran (BPLD Head) , Mr. Allan Chua (City Agriculture) at Mr. Aba Gawaran (BTFD/BTMD Head), Mr. Ferdie Gutierrez, at Kgd. Buboy Lagilaw.
Dahil isa sa layunin ni Mayor Strike B. Revilla na mapagaan, mapaganda, at masiayos ang buhay ng bawat mamimili at mapatupad ang mga batas na inilunsad ng ating Bansa.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.