Noong ikalabinglima ng Setyembre taong 2023, pinangunahan ni Congresswoman Lani M. Revilla ang groundbreaking ng bagong itatayong Covered Court ng Perpetual Village 8, Barangay Habay 1, Bacoor City, Cavite.
Ang Covered Court ng Perpetual Village 8 ay matagal ng request ng Home-Owners Association ngunit ng dumaan ang pandemya ito’y nabinbin ng ilang taon. Ngunit sa pagbalik ni Cong. Lani M. Revilla sa Kongreso ay napapondohan agad ito sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Dumalo rin sa groundbreaking ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola na siya ring nagbigay ng mensahe na pagbati para kay Mayor Strike B. Revilla.
Nakasuporta naman ang Pamahalaang Barangay sa pangunguna ni Kap. Obet Castillo pati narin ang mga kagawad nito sa proyektong mapapakinabangan hindi lang ng mga taga Perpetual maging ang mga katabi nitong subdivision. Suportado rin ng BHOACI sa pangunguna ni Pres. Guia Oller pamunuan ng Perpetual Village 8 dahil isa rin ito sa pinaka active na HOA sa Lungsod ng Bacoor.
Marami pang proyekto ang nais gawin ni Cong. Lani M. Revilla katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla para mas lalong makatulong sa mga Bacooreño.
Sama-Sama Tulong Tulong, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito.