Pinangunahan ni Congresswoman Lani Mercado Revilla ang pagbabahagi ng tulong pinansyal sa mga Bacooreño noong September 14, 2023, sa Mainsquare Mall Activity Center.
Bukod dito ay nakapagbigay din siya ng wheelchairs at walker para naman sa mga Persons With Disabilities na nangangailangan nito. Ang lahat ng ito ay sa pamamagitan ng AICS o ng Assistance for Individuals in Crisis Situations.