Isinagawa noong ikatlo ng Abril ang pamimigay ng tulong pinansyal sa 34 pamilya na nasunugan sa Progresive 6, Barangay Bayanan na pinangunahan ng ating 24/7 City Mayor Strike B. Revilla.

Maliban sa pinansyal, may kasamang Relief Goods, Hygiene Kit, Medical Kit, at ilang kagamitan sa bahay tulad ng Kutsara, Tinidor, Baso, Plato, Kawali, Kumot at unan ang kanila pang natanggap.

Pinaalalahanan parin ni Mayor Strike B. Revilla ang bawat Bacooreño na mag-ingat at maging alerto palagi lalo na sa panahon ngayon kung saan ay madaming kaso ng sunog, at kung nangangailangan ng tulong ay tumawag lang sa 161 para mas mabilis na makatanggap ng tulong at saklolo mula sa City Government of Bacoor.

Please like and follow our official social media accounts:

FB: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
Tiktok: https://www.tiktok.com/@citygovtbacoor
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Youtube: https://www.youtube.com/@citygovtbacoor
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…

Maraming salamat po.

#CityGovtOfBacoor
#StrikeSaSerbisyo
#StrikeAsOne
#SaBacoorAtHomeKaDito