Para sa kaayusan ng Semana Santa, nagtalaga si Mayor Strike B. Revilla ng mga kawani na galing sa ibat-ibang departamento ng gobyerno para mas maging ligtas at nasa kaayusan ang mga programang ginagawa ng ating mga simbahan sa Lungsod ng Bacoor.

Sa patuloy na pagbabantay ng ating BDRRMO, CENRO at iba pa nating kasama galing sa ibang Departamento ay tatlong araw na pong nasa ayos at walang nabalitang gulo o masamang pangyayari sa mga simbahan o area na binabantayan. Isa na rito ang St. Michael Church Poblacion sa Bayan na laging dinadagsa ng mga katoliko.

Muli, kung may emergency o sakuna, huwag magdalawang-isip na lumapit sa mga opisyales na naka assign sa inyong lugar o tumawag lang sa ating 161.

Paalala pong muli, na sa ating pagninilay-nilay ngayong Semana Santa, huwag po nating kalimutan ang ibayong pag-iingat.

Maraming salamat po 🙏

Please like and follow our official social media accounts:

FB: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
Tiktok: https://www.tiktok.com/@citygovtbacoor
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Youtube: https://www.youtube.com/@citygovtbacoor
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…

Maraming salamat po.

#CityGovtOfBacoor
#StrikeSaSerbisyo
#StrikeAsOne
#SaBacoorAtHomeKaDito