Noong March 13, 2024, mahigit 300 Nedra Trees ang itinanim ng mga nagsipag dalo sa Tree Planting na pinangunahan ni City Councilor Alex Gutierrez at SK Federation Pres. Palm Buncio kasama rin ang CESD, BPLO at LEDIPO.
Ang Simultaneous Tree Planting Activities ay ginanap sa ibat-ibang panig ng Pilipinas bilang bahagi sa Clean and Green program ng mga Barangay.
Kabahagi rin ng programang ito ang Liga ng mga Barangay, LGU Employees, Ms. Khei Sanchez -Ledipo Head, Christian Gawaran – BPLO Head, Business Association ng Bacoor, Business Owner/Employ at iba pang volunteers na Plantito at Plantita.
Patuloy naman ang mga programa ng pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng CENRO Bacoor para mapangalagaan ang mga puno at halaman na nasasakupan ng Lungsod Bacoor.
Sa iniwan namang mensahe ni Mayor Strike B. Revilla mahalaga ang pangangalaga sa ating kalikasan dahil napaka laking tulong nito sa ating buhay.
Patuloy naman ang Pamahalaang Lungsod na suportahan ang mga programang makakatulong sa ating kalikasan.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor af Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.