Noong April 15, 2024, naganap ang turnover ng Ambulansiya mula kina Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. at Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist. Ang pangyayaring ito ay pinangunahan ng mga sumusunod na personalidad: Mayor Strike Revilla, Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, BM Ram Revilla Bautista, ABC Pres. BM Rafael Paterno Jr., ABC Vice Pres. Coun. Randy Francisco, mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, at SK President Palm Buncio.
Ang Ambulansiya na ito ay magiging malaking tulong sa pagresponde sa mga emergency at paghatid ng agarang medikal na tulong sa mga nangangailangan. Ito ay patunay ng patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng mga lider ng ating lungsod upang mapabuti ang kalagayan at kapakanan ng ating mga mamamayan.
Sa patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa, asahan natin ang mas magandang kinabukasan para sa ating minamahal na Lungsod. Mabuhay tayong lahat! Mabuhay ang Bacoor!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.