Pormal nang binuksan ang Trade Fair na nagtatampok sa mga produktong mula sa mga negosyanteng Bacooreño bilang pagdiriwang ng Bakood Festival. Layon ng aktibidad na itanghal ang kakayahan ng bawat Bacooreño na maging produktibong mamamayang pursigido sa kaunlaran ng pamumuhay. Dumalo si Mayor Strike B. Revilla sa ribbon cutting ceremony upang personal na ring makumusta ang mga Bacooreñong lumahok sa Trade Fair. Kasabay ng pagbubukas nito ang distribusyon ng BTMD ng 116 na rain coat para sa kanilang mga empleyado.