Bahagi ng epektibong pamumuno ang pakikinig sa mamamayan, ito ang naging sentro ng Strike Meet and Greet Activity kasama ang iba’t ibang stakeholders ng lungsod ng Bacoor. Nagsilbing oportunidad din ang aktibidad na ito upang magkaroon ng paguusap at makapagbigay-linaw si Mayor Strike B. Revilla ukol sa mga programa at serbisyong nakalaan para sa bawat Bacooreño.