Strike sa serbisyong may pagpapahalaga sa edukasyon at kinabuksan ng bawat Bacooreño! 723 na Bacooreñong iskolar ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng Resources Education Vocational Institution Livelihood Academic (REVILLA) Center ang nakapagtapos sa kani-kanilang mga kurso sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP, Tulong Trabaho Schorship Program (TTSP) at
Training for Work Scholarship Program (TWSP) Funded 2021 at 2022 ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. Sila ay kinilala at binigyang-pugay sa “Araw ng Pagtatapos: TESDA at REVILLA Center Scholars” sa Strike Gym noong Setyembre 21, 2022.
Dumalo sa aktibidad sina Hon. Adriel G. Gawaran, Bacoor City Councilor at Hon. Rowena Bautista-Mendiola, Bacoor City Vice Mayor upang magbigay ng mensahe ng pagkilala sa pagsisikap ng lahat ng mga nagtapos para sa mas mabuting kinabukasan ng kani-kanilang mga pamilya. Nagbahagi rin ng inspirasyon si Hon. Lani Mercado-Revilla, Congresswoman ng 2nd District of Cavite sa mga nagsipagtapos at binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon sa mas maunlad na pamumuhay. Nagbigay din ng pahayag ang ilan sa mga graduates na sila Beatriz Diaz (Training on Beadworks), Xedrix Ranas (Training on Massage Therapy), Gemmo Eraño Lara (Housekeeping NC II), at Maria Julie Ann Pedrosa (Caregiving NC II) bilang tugon ng pasasalamat sa isang makabuluhang araw ng pagtatapos sa pagtanggap ng karagdagang kaaalam at kakayahan sa iba’t-ibang larangan. Iginawad ang mga katibayan ng pagtatapos Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola,, Mrs. Carmelita Fabia-Gawaran na tumatayong Officer-in-Charge ng Bacoor City Livelihood Office, Dir. Rosalinda B. Talavera na nagsisilbing Provincial Director ng TESDA Cavite, at ng ating minamahal na Mayor Strike B. Revilla. Kinilala rin ang mga natatanging trainees at nag-iwan ng mensahe ang ating panauhing pandangal na si Dir. Rosalinda B. Talavera na inihayag ang kanyang pagkakagalak sa pagtatapos ng mga Bacooreñong iskolar.
Ilan pa sa mga kursong natapos ng mga iskolar ang Beadworks, Basic Beauty Care, Basic Bread and Pastry, Candle Making, Commercial Baking, Basic Cookery, Floral Arrangement, Basic Hairdressing, Basic Massage Therapy, Perfume Making, at Soap Making. Kabilang din dito ang National Certification (NC) sa Housekeeping, Driving, Shielded Metalic Arc Welding, Contact Center Services, Automotive Servicing, at Electrical Installation and Maintenance.
Salamat Mayor Strike B. Revilla at Senator Bong Revilla, at sa lahat ng bumubuo ng TESDA at Bacoor City Livelihood Office sa oportunidad na ito.