Dahil prayoridad ng City Government of Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla ang kasiguraduhan ng pagkakaroon ng trabaho, isinagawa ang Special Program for Employment of Students sa Bacoor Government Center Lobby.
Nilahukan ito ng higit 75 students mula sa District 1 and 2 ng ating Lungsod. Sila rin ay nabigyan ng pagkakataon na makatanggap ng regalo mula sa LEDIPO sa pangunguna ni Ms. Khei Sanchez, dahil layunin ng programa na ito na makapagbigay trabaho sa mga estudyante, kung saan ang kanilang kikitain ay magmumula sa DOLE at sa LGU.
Inorganisa naman ito ng PESO sa pangunguna ni Dr. Abraham “Bob” De Castro, HRDMD sa pangunguna ni Ms. Natividad Ople katuwang ang DOLE Senior Labor Employment Officer III na si Anne Marie Faye M. Gloria.
Samantala, magkakaroon ng dalawang batch ang SPES, kung saan magsisimula ang Batch 1 ngayong darating na June 5, 2023 at ang Batch 2 naman ay gaganapin sa August 1, 2023.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.