Ang kauna-unahang pilot testing ng DOLE Technical and Advisory Visit (TAV) sa buong CALABARZON ay isinagawa sa Lungsod ng Bacoor noong May 25, 2023, sa ginanap na STRIKE Meet and Greet with the City Business Stakeholders. Ito ay pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Doc. Bob De Castro.
Layunin nitong masiguro ang mahigpit na pagsunod ng mga micro-establishments ng lungsod patungkol sa oras ng trabaho, maayos na pagbabayad ng benepisyo, gayundin sa ating city and health standards.
Dinaluhan ito ng mga panauhin na sina Provincial Director Marivic B. Martinez, Regional Director Roy L. Buenafe, DOLE Cavite Angie Yuan, PESO – Bacoor, kasama ang isang daan at limampung BacooreƱo mula sa District 1 at 2.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.