“YES, I DO!” — Iyan ang naging sigaw ng 98 na magkasintahan na pinag-isang dibdib sa mismong Araw ng mga Puso noong February 14, 2024, sa Lungsod ng Bacoor.
Ang makulay at masayang seremonya na pinangunahan ng butihing Mayor Strike B. Revilla, ay hindi lamang nagbigay-daan sa mga bagong kasal upang ipahayag ang kanilang walang hanggang pagmamahalan, kundi nagdulot din ng inspirasyon sa bawat isa.
Kasama sa nagpamalas ng kanilang buong suporta at pagmamahal sina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Cong. Lani Mercado-Revilla, Hon. Alde Pagulayan, Hon. Rey Fabian, Hon. Bok Nolasco, Hon. Alex Guttierez, Hon. Karen Sarino-Evaristo, at Board Member Rafael Paterno.
Tunay ngang nagkaisa ang buong komunidad upang bigyang-pugay ang pagpapahalaga at pagtitiwala sa pamilya at sa banal na institusyon ng kasal.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.