Layon nitong pagtibayin ang ugnayan ng Bacoor at ng bawat lokal na pamahalaan ng District 1 at magtulungan sa paghahatid serbisyo sa mamamayang Caviteño. Ang ilan sa mga serbisyong maaaring maibahagi ang mga LGUs sa bawat isa ay ang Disaster Response pangunahin ang pagpapatupad ng Rescue 161, social services tulad ng medical, burial and educational assistance, relief and rehabilitation, peace and order at iba pa.
Kaakibat din nito ang pagsasanib pwersa ng Una at Ikalawang Distrito sa paghahatid serbisyo sa mamamayang Caviteño na magdudulot ng pag-unlad sa ekonomya, pagsasaayos ng mga proyektong pang-imprastruktura, pangangalaga sa kalikasan at paghahatid ng disente at dekalidad na disaster response.
Dinaluhan ang pagtitipon ng mga alkalde sa Unang Distrito, Rosario Mayor Voltaire Ricafrente, Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, Noveleta Mayor Dino Chua at Cavite City Mayor Denver Chua kasama ang kanilang mga Vice Mayors at mga Konsehal gayundin ang mga Board Members at Agimat Partylist Representative, Cong Bryan Revilla. Nagbigay din ng mensahe sina Bacoor City Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola at Mayor Strike B. Revilla. Strike sa serbisyong may pakikipagugnayan para sa mas malawak na kaunlaran!