Ang inisyatibong ito ay isinulong din nina Mayor Strike B. Revilla, 2nd District Congresswoman Lani Mercado-Revilla, at BFP Bacoor Chief Alma Gardose. Ang probisyong ito ng bagong fire truck ay malaking tulong sa bawat BacooreƱo at sa mga karatig bayan nito sa pagresponde sa mga kaso ng sunog. Dumalo rin sa turnover ceremony si Agimat Partylist Representative Bryan Revilla bilang kinatawan ni Cong. Lani.
Ang City Government of Bacoor ay lubos na nagpapasalamat kina BFP FDIR Louie S. Puracan, CEO VI at DILG Secretary, Atty. Benjamin C. Abalos para sa inisyatibong ito.