Masaya at makasaysayan ang araw na ito sa ating pagdalo sa ceremonial signing ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kauna-unahang panukalang ating inihain sa pagbubukas ng 19th Congress – ang Centenarian Act amendment.
Ang nilagdaang Republic Act No. 11982 na una na nating inihain noon pang 18th Congress ay napakagandang regalo para sa ating mga Lolo at Lola na makakatanggap na ng additional cash gift sa kanilang pagtungtong sa edad na 80, 85, 90 at 95.