Sa pangunguna ni Mr. Noli Galvez, Assistant Head ng BDRRMO Katuwang ang CSWD sa pamumuno ni Ms. Lilian Ugalde, ginanap ngayong Marso 11, 2023, Sabado ang RC Plane Exhibition sa Brgy. Molino 6 Open Field.
Layunin ng exhibition na ito ay maiparamdam ang saya sa mga kabataan na nasa pangangalaga ng Home for the Boys, Home for the Girls na matagal nang programa ni Mayor Strike B. Revilla.
Sa mensaheng iniwan ni Mayor Strike, nais nitong patuloy na mangarap ang mga kabataan na kahit pangalawang tahanan lang nila ang shelter, ito ang magiging lakas nila para makamit nila ang pangarap na mag-aangat sa kanilang pamumuhay.
Sa kalagitnaan ng okasyon nagpakitang gilas naman ang mga iilang remote control planes para mapasaya ang bawat kabataan na may higit 30 mula sa Home for the Boys, 14 Shelter for the Girls at 34 Street Children na ngayon ay nasa pangangalaga ng CSWD.
Dumalo rin sa okasyon ang ating Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Mon Ordonez, President of DHFC, Kap. George Gawaran ng San Nicolas 3, Kap. Jeff Campaña ng Molino 4, Kap. Michael Saquitan ng Molino 2 at Kap. Alfie Gawaran ng Bayanan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.