Nagkaroon ng clean-up drive ang Tau Gamma Phi sa mga pangunahing kalsada at eskenita ng barangay Maliksi 1, 2 and 3 sa pangunguna ni GT Angelo Espiritu, Maliksi Chapter Founder Bacoor Parish School. Ito ay handog ng grupo para sa kaarawan ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla.
Dahil sa patuloy na pag saludo ng Maliksi Community Chapter ng Tau Gamma Phi with the BPS Chapter sa kasipagan ng ating butihing Mayor, sila’y regular na nagsasagawa ng mga programa gaya ng Clean-Up Drive at Feeding Program
Ayon kay GT Angelo Espiritu, sa mga ganitong pamamaraan ng mga proyekto pang komunidad ay nais nilang makatulong at mapasaya ang kanilang napakasipag na Mayor Strike na sobra ang pagmamahal para sa Lungsod ng Bacoor.
Dagdag pa rito ay nangakong ipagpapatuloy ng kanilang grupo ang pag gawa at pagbibigay ng libreng serbisyo para sa Barangay ng Maliksi at kahit pa sa buong Bacoor.
“Asahan niyo po ang aming suporta sa lahat ng inyong magandang ninanais pangkapayapaan o pangpa unlad man. Araw araw po ay Birthday po natin sa ating Bayan ng Bacoor. Happy Birthday pong muli Mayor Strike Revilla. Tau gamma phi Loves you” pahayag ni GT Angelo Espiritu.
Nakakatuwang isipin na sa maliit na bagay ay nagpapahayag ng suporta at pagmamalasakit ang mamamayang Bacooreño dahil sa inspirasyon at pagkampanya ng ating Mayor na sa pagkaka-isa ay makakamit natin na ang mga Bacooreño ay maging at home dito sa Bacoor.
Maraming salamat po Tau Gamma Phi Maliksi Community Chapter.