Sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang Human Resources Development and Management Department sa pamumuno ni Ms. Natividad Ople, ginanap ang  GSIS Benefits Policies and Programs Orientation sa Bacoor Strike Gymnasium.
Upang maging maayos at mas maintindihan ng lahat ang proseso ng GSIS, tinalakay ni Ms. Olga Madamba ang Membership, at para maintindihan pa ang kaalaman sa Loans pinangunahan ito ni Ms. Brenda S. Escuro at para naman sa claims ito’y tinalakay ni Ms. Ryza Mae Reyes.
Ito’y nilahukan ng higit 300 na empleyado (casual & permanent) ng City Government of Bacoor at dinaluhan din ito ng ating City Administrator Atty. Jesson G. Labao.
Maraming salamat po.