Isinagawa noong September 04, 2023 ang ika-apat na programa ng Making Sustainable Business Reachable sa Main Lobby, Bacoor Government Center. Dahil sa buong suporta ng ating alkade na si Mayor Strike B. Revilla at ng Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO) sa pamumuno ni Ms. Katrina “Khae” Sanchez, na may layuning masuportahan ang local entrepreneurs sa ating Lungsod.
Nabigyan ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyo kabilang ang 1992 Coffee House na pagmamay-ari ni Mr. John Mayor, na maibenta ang kanilang masasarap na produkto sa mga residente ng Bacoor. Matatagpuan ang kanilang Coffee Shop sa Molino Rd, Molino 1 at Ligas 3, Westville. Bukas sila mula Lunes hanggang Linggo ng 3:00pm hanggang 12:00am.
Kaya’t halina at suportahan natin ang ating kapwa Bacoorenyo!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.