Sa loob ng mga nakaraang araw, tayo ay naging saksi sa matagumpay na pagsusumite ng mga kandidato ng kani-kanilang mga Certificate of Candidacy sa ginanap na filing noong Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 2023, para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Kasalukuyan ay nasa 124 na kandidato ang nag-file sa posisyong Barangay Chairman at 1,056 naman para sa posisyong Barangay Kagawad. Sa kabilang banda, nasa 124 rin ang nag-file para sa posisyong SK Chairman at 812 naman para sa posisyong SK Kagawad. Sa kabuuan ay nasa mahigit dalawang libo na ang matagumpay na nakapag-sumite ng kanilang mga aplikasyon.
Narito ang mga importanteng araw na dapat abangan para sa darating na eleksyon:
Election Period at Gun Ban
August 28 – November 14, 2023
Campaign Period
October 19 – 28, 2023
Liquor Ban (campaigning is prohibited)
October 29 – 30, 2023
Election Day
October 30, 2023
Last Day to File Statement of Contribution and Expenditures (SOCE)
November 29, 2023
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.