Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na pinamumunuan ni Mayor Strike B. Revilla sa tulong ng Barangay Management Information Office sa pangunguna ni Kgd. Ferdineil Esguerra, kasama ang Philippines Best Bullies Registry, ay buong pagmamalaking ipinapakilala ang programang INDEPENDABULLS 3.0: Ang American Bully Show Para sa mga Bacooreño!
Makakasama natin sa July 27, 2024, sa ganap na 10 AM hangang 3 PM sa Strike Gymnasium ang pinakamalaking local American bully club sa buong bansa upang irampa at ipagmalaki ang pinakamagagandang American Bullies mula sa Bacoor at sa buong Pilipinas.
Huwag ng palampasin ang pagkakataong handog ng programang ito saksihan ng personal ang lakas, angas at ganda, ng mga american bully kasama ang mamamayang Bacooreño.
Inaanyayahan din namin ang lahat ng Veterinary Clinics sa Lungsod ng Bacoor na samantalahin ang pagkakataong ipakita, ipakilala, at i-promote ang inyong negosyo sa araw na ito. Naghanda ang City Government of Bacoor ng LIBREng mga exhibit booths para sa mga interesadong vet clinics sa Lungsod ng Bacoor.
Para sa mga kababayan nating may karagdagan pang katanungan pa tungkol sa programang ito tumawag lamang sa numerong +63 906 283 6744.