Noong August 10, 2023, nabigyan ng tulong pinansyal ang mahigit 400 na Senior Citizens sa programa ni Congresswoman Lani M. Revilla na Alagang Ate Lani Tulong Pinansyal para sa mga Bacooreño.
Sa pamamagitan ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mas natutugunan ang pangangailangan ng mga Bacooreño pagdating sa Pinansyal, Medical, at Burial.
Nagbigay din ng Wheelchair at Tungkod ang tanggapan ni Cong. Lani M. Revilla, katuwang si Councilor Alde Pagulayan, sa Limang benipisyaryo na Senior Citizen.
Patuloy naman na tumatanggap ng mga Bacooreñong nangangailangan ng tulong ang opisina ni Cong. Lani M. Revilla ngunit limitado lamang kada araw ang maaaring ma-interview para na rin sa maiwasan pagdagsa ng mga humihingi ng tulong. Unang 50 na aplikante lamang ang kanilang tinatanggap mula Lunes hanggang Biyernes, Alas-otso ng umaga hanggang Ala-singko ng hapon (8am to 5pm).
SAMA-SAMA, TULONG-TULONG, DAHIL SA BACOOR AT HOME KA DITO!