Nagdaos ng Anti-Rabies program kahapon sa George Town at Summer Hills, Barangay Molino 4, sa pangunguna ni Dra. Ella Mar Gandia at ng mga kawani ng City Veterinary Office. Umabot sa 84 na may-ari ng alagang hayop mula sa George Town at 140 naman mula sa Summer Hills ang dumalo sa programa.
Nagbigay naman ng buong suporta si Kap. Jeff Campana, Barangay Captain ng Molino 4, para sa programa na ito. Layunin ng programa na alagaan at mapanatili ang kalusugan ng mga alagang hayop.
Tuloy-tuloy rin ang suporta ng ating Kagalang-galang na City Mayor Hon. Strike B. Revilla, para sa programa na ito. Ang kalusugan ng ating mga alagang hayop ay isa sa mga prayoridad natin.
Abangan din ang mga darating na Anti-Rabies Program sa iba’t-ibang Barangay sa Lungsod. Makiisa para sa ligtas na kinabukasan ng ating mga alaga!
We Strike As One!
Dito Sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.