Ito’y pinaigting sa ginanap na “COVID-19 Vaccine Literacy and School-Based Immunization Program” kanina sa pangunguna ng Federated Parent-Teachers Association (PTA) ng City of Bacoor.
Nasa 40% pa lamang ng mga kabataang mag-aaral sa Bacoor ang bakunado kaya naman nananatili ang pangamba ng nga magulang sa transisyon ng pag-aaral sa in-person classes. Nagsilbing pangunahing tagapagsalita at lecturer si Dr. Maria Cristina Alberto, MD, DPPS na binigyang-diin ang kahalagahan ng bakuna upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Nagsalita rin sa pagtitipon sila Dr. Ivy Marie Yrastorza ng City Health Office, Federated PTA President Cherry Torres, LGU PTA focal person Eva San Buenaventura, at Dr. Edith Atendido ng Department of Education.
Hinikayat ni Mayor Strike B. Revilla ang lahat ng mga dumalong PTA Federation members, maging ang lahat ng mga magulang sa Bacoor na maiangat ang percentage sa 90% ng mga bakunadong kabataang upang masiguro rin ang kanilang kaligtasan at maayos na kalusugan. Strike as One tungo sa patuloy na paglaban sa banta ng COVID-19!