Isang matagumpay na panalo mula sa Bacoor National High School – Main o ang ROBOSTRIKERS sa kanilang sinalihang paligsahan na 2023 ROBOCLASH: 1st DOST CALABARZON Robotics Tournament na inorganisa ng Department of Science and Technology Region Office IV-A nitong September 12, 2023 (Martes) na ginanap sa SM City San Pablo, Laguna.
Nakamit nila ang Top 1 at Top 2 sa Line Tracing, at Top 4 naman sa kategoryang Sumubot. Ang pangkat na ito ay nagrerepresenta para sa probinsya ng Cavite laban sa iba’t ibang lugar ng CALABARZON.
Narito ang mga kilalang Little Engineers ng ROBOSTRIKERS:
– Beatrice Rosalinda M. Dolis
– Noah Eleazar Solsona
– Noah Gavin L. Cuenca
– Justin Bustamante
– Virginia Aurora M. Dolis
– Matthew Alston Pedemonte
– Miguel Gabriel Cabra
– Jahnrei Kennard A. Falalimpa
– Amanda Ysabel Hurtado
Kasama ang mga ROBOSTRIKERS, narito ang mga kanilang guro o katuwang sa larangan ng Robotics, sina G. Lemart F. Dolis at G. Teddy B. Bueno.
Congratulations ROBOSTRIKERS!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.