Noong Setyembre 18, 2023, nagsagawa ang Lungsod ng Bacoor ng makabuluhang Flag Raising Ceremony na ginanap sa Bacoor City Hall. Ito ay pinangunahan ng City Planning and Development Coordinator Office at Local Youth Development Office sa pangunguna ni Ms. Rhowena “Weng” Alcantara at Ms. Angie Cariaso.
Nagbigay ng magandang balita si Hon. Strike B. Revilla ang ating Amang Panglungsod na kinatawan ni Hon. Rowena Bautista Mendiola na naghatid ng isang malaking pagbati dahil hinirang na 1st Place ang ating ipinagmamalaki na Lungsod ng Bacoor sa 2023 Local Legislative Award sa DILG Provincial Award Committee na pinangunahan ni Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola katuwang ang Sangguniang Panglungsod.
Ngayong buwan rin idinaraos ang Bakood Festival kaya nabanggit rin ang mga programa noong nakaraang linggo tulad ng mga sumusunod:
1. Bacoor Chess Club Chess Cup
2. Urban and Ornamental Agriculture Bazaar and Product Showcase at Bacoor Rabbit Farmers Association Seminar
3. International Coastal Clean-Up
4. Kaugnay naman ng nalalapit na kaarawan ni Senator Bong Revilla, Jr. ay naghandog ito katuwang ang ilang mga hospital ng isang bloodletting activity na pinamagatang “Dugong Alay, Pandugtong Buhay.”
5.Nagbigay rin ng pasasalamat para kay Sen. Robin Padilla sa pagbibigay ng Assistance for Individuals in Crisis Situations (AICS) noong nakaraang Biyernes.
Patuloy parin ang mga serbisyo, programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod upang makatulong pang lalo sa mga BacooreƱo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.