Naging matagumpay ang labanan ng Color Guard Battle na ginanap sa Barangay Alima Oval noong September 29, 2023. Ang paligsahan ng Color Guard ay pinangungunahan ni Mr. Edwin Guinto at ng mga staff ng City Tourism Development Office.
Narito ang mga masaganang at magagaling na grupo sa kategoryang Color Guard Battle:
1. Bagong Nayon Soaring Eagle Community Band mula sa Antipolo City
2. SDMP Color Guard mula sa Paranaque City
3. The Amazing Color Guard mula sa Pasig City
4. FEU Guardline ng Far Eastern University Morayta
5. 4th Raiders Color Guard mula sa Paranaque City
6. Banda Kabyaw Inc. Color Guard mula sa Nueva Ecija
7. Citizen’s Brigade Band of Dasmarinas City
8. San Lorenzo Ruiz Band Guardline mula sa Bacoor City
Ito ay dinaluhan ng ama panlungsod na si Mayor Strike B. Revilla, layunin ng kompetisyon na ito maipakita ang kagandahan ng talentong pinoy sa larangan ng Color Guard. Kasama rin sa dumalo ang ating Vice Mayor Rowena Mendiola-Bautista, City Councilor Alex Gutierez at City Councilor Karen Sarino-Evaristo.
Sa mainit nalaban ng Color Guard Battle nagwagi ng 2nd Runner-up ang Banda Kabyaw Inc. Color Guard, habang 1st Runner-up naman ang San Lorenzo Ruiz Band Guardline at ang nakasungkit ng Champion para sa kategoryang ito ay ang SDMP Color Guard.
Mula sa lokal ng pamahalaang panlungsod ibinabati namin kayo sa inyong laban para sa Color Guard Battle
As We Strike, As One
Dito Sa Bacoor, At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.