Noong July 03, 2023 ginanap ang “Barangay Pulong Pulong” ng Barangay Salinas 2, Salinas 3, Salinas 4, sa covered court ng Salinas 2 kung saan ipinakita ng mga residente ang pag suporta sa magiging Plebisito sa July 29, 2023 sa Lungsod ng Bacoor.
Dinaluhan naman ng Bacoor Comelec sa pangunguna ni Atty. Jastine Dela Cruz ang pulong ng mga residente at nagbigay narin ng kaalaman tungkol sa magaganap na botohan sa Plebisito. Ipinaliwanag ni Atty. Jastine ang oras at kung paano boboto ng tama para hindi masayang ang mahalagang gagawin sa araw ng Plebisito.
Ipinakita naman ng Sangguniang Panlungsod Members ang kanilang suporta sa Plebisito dahil isa ito sa napaka halagang City Ordinance na makakatulong sa hindi lang sa Barangay maging sa mga residente ng Barangay.
Nagbigay naman ng mensahe sila Councilor Engr. Levy M. Tela, Councilor Mike Solis, Councilor Alex Guttierrez, Councilor Karen S. Evaristo, Councilor Pres. ABC Kap. Monching Bautista at si Councilor Rey Palabrica na siyang nagpaliwanag kung gaano kahalaga ang Plebisito sa mga Bacooreño.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla nagpasalamat ito sa mga taga Salinas 2,3 at 4 sa suportang ipinakita sa papalapit na PLEBISITO.
As We Strike As One, Sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.