Idinaos ang Regular Flag Raising Ceremony sa Strike Gymnasium noong July 03, 2023 sa pangunguna ng General Services Office sa pamumuno ni Mr. Agripino Pagdanganan Jr. kasama ang MABANGO Federation.
Sinimulan ang seremonya sa isang mensahe mula kay City Councilor Rey Palabrica na sinundan naman ng pagbibigay karangalan sa mga itinanghal na Drug Cleared Barangays at kay Mr. Elmer Jimenez naman sa Barangay Affairs na kung saan ito ay pinangunahan ng PNP-Bacoor.
Nagpresinta ang General Services Office ng kanilang Accomplishment Report sa pamamagitan ng audio-visual presentation.
Malugod namang pinaunlakan ang Regional Director ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Region IV-A CALABARZON na si R.D. Ariel O. Iglesia, CESO III.
Nagtapos ang programa sa isang intermission number handog ng MABANGO Federation.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.