Binigyang halaga ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla na mapag-aralan ang Common Skin Diseases na isa sa mga sakit na kapag hindi nabigyan ng tamang lunas at napabayaan ay magbibigay ng malaking dagok sa mga Bacooreño.
Pinangunahan ng City Health Office ng Bacoor o CHO sa pamumuno ni Dr. Ivy Yrastorza ang lecture na dinaluhan ng mga doctors, nurses, at midwives ng Bacoor, kahapon, November 8, 2023, sa Bulwagan ng Liga ng mga Barangay.
Ang espesyal na bisitang dumalo ay si Dr. Anna Lou C. Diaz isang dermatologist na kung saan kanyang itinalakay ang mga sakit na kadalasang kinakaharap ng mga Bacooreño katulad ng infectious, fungals, eczema, bacterial, viral, dandruff, acne, at melasma. Nagturo rin si Dr. Diaz ng tamang precaution, managament, at treatment sa mga sakit na mga ito para makatulong sa mga Bacooreño.
We Strike as One sa Pangangalaga ng Kalusugan ng mga Bacooreño!
Dito sa Bacoor! At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.