Noong November 8, 2023, ay pinag-isang dibdib ni Mayor Strike B. Revilla ang magkasintahang Hubert Rosales at Kaydeen Oval sa kanyang tanggapan.
Isang simpleng seremonya ngunit punong puno ng pagmamahal sapagkat dinaluhan ito ng kanilang mga pamilya, ninong at ninang, malalapit na kamag-anak, at mga kaibigan.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ng bagong mag-asawa at pagbati naman ng Congratulations ang tugon sa kanila ni Mayor Strike B. Revilla.
Sa mga nais magpakasal, pumunta lamang po sa tanggapan ng Local Civil Registry Office sa Bacoor Government Center at dalhin ang mga kinakailangang requirements gaya na lamang ng mga sumusunod:
1. CENOMAR (PSA)
2. Birth Certificate
3. Baptismal Certificate
4. 2×2 Picture (1pc.)
5. Barangay Certificate (both)
6. Valid ID with residency
7. Long Folder
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa numerong 481-4122 local 217, at hanapin si Ms. Tess Cameros o si Ms. Tess Dela Cruz.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.