Sa ilalim ng Section 28 ng Republic Act No. 10742 o ang Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act of 2015, na inamyendahan ng Republic Act No. 11768, at alinsunod sa Department of Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2023-156, ang lahat ng mga bagong halal na mga opisyal ng Sangguniang Kabataan at mga miyembro ng Local Youth and Development Council (LYDC) ay kinakailangan sumailalim sa Mandatory Training bago ang kanilang pagtanggap ng tungkulin at pagsumpa sa kanilang katungkulan.
Ang pagsasanay na ito ay gaganapin sa November 11, 12, at 13, alas-otso ng umaga, sa Revilla Hall, Bacoor Government Center. Ito ay pangungunahan ng City Youth and Development Office sa pamumuno ni Ms. Angie Cariaso.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.