Alinsunod sa Proclamation No.60 (s. 1992), isinagawa noong September 29, 2023 ang National Week Family Celebration at Film showing na inorganisa ng CSWD sa pangunguna ni Ms. Liliane Ugalde at ginanap sa Strike Gymnasium.
Layunin ng selebrasyon na ito na makapagbigay saya sa bawat pamilya. Ayon nga sa ating ama na si Mayor Strike B. Revilla, “Ang sandigan po nating lahat ay ang ating pamilya.” Kaya naman dinaluhan ito ng libong pamilya kasama ang kanilang anak.
Nagbigay naman ng mensahe ang ating dalawang espesyal na panuuhin na si Ms. Gloria Mayette Peñano (RC Gomez Entertainment Productions Marketing Head) na tinalakay na ang pundasyon ng lipunan ay ang pamilya at si Mary Easter Claire S. Perez – Torres (University Professor & Clinical Psychologist) kung saan kanyang binigyang halaga ang Austism at iba pang mga mental health problem na maaring magbigay linaw sa bawat magulang.
Taos puso namang nagbigay suporta ang ating At your serVICE, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Councilor Alde Pagulayan, Councilor Simplicio Dominguez, Councilor Levy Tela, Councilor Bok Nolasco, Councilor Monchinh Bautista, Councilor Mike Solis, Councilor Rey Fabian, Councilo Rey Palabrica, Councilor Alex Guttierez, Councilor Robert Advincula, at Councilor Karen S. Evaristo.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.