Muling umarangkada ang pamamahagi ng BIGAS sa Barangay Maliksi 1, kung saan ito ang programa ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members, Cong. Lani M. Revilla, at ng tanggapan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. LNB Vice President Kap. Randy Francisco.
Ang programa ay sinamahan ng Orientation tungkol sa Disaster Preparedness and Response na pinangunahan ng BDRRMO. Nagbahagi rin ang Bacoor BFP ng Fire Safety Tips para magkaroon ng kaalaman ang mga Bacooreño pagdating sa aksidente, bagyo, sunod at iba pa.
Mahigit anim na raang residente ng Barangay Maliksi 1 ang nakatanggap ng 5 Kilo ng bigas na ginabayan naman ng kanilang punong Barangay Kap. Louie Ugalde kasama ang kanyang Sangguniang Barangay.
Naglaan naman ng video message sila Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sen. Ramon Bong Revilla Jr., Cong. Lani M. Revilla para ipaalala ang mga batas at ordinansa na ipinapatupad sa Lungsod ng Bacoor. Binigyang diin rin ang mga naipasang batas na ngayon ay napapakinabangan na ng mga Pilipino.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.