Bilang bahagi ng malawakang kampanya upang pataasin ang kamalayan ng mga mamamayan ukol sa Breast Cancer, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ng Breast Cancer Awareness sa humigit kumulang 100 na mga kababaihan noong October 18, 2023, sa Strike Gymnasium.
Dito ay nabigyan sila ng sapat na kaalaman sa tamang paraan ng pag-aalaga at pagsusuri na makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon nito. Bukod dito ay naghandog din ang Lokal na Pamahalaan ng mga libreng serbisyo gaya na lamang ng Breast Check-Up, PAP Smear for Cervical Cancer, at marami pang iba.
Nagbigay din ng mensahe para sa mga kababaihan sina Dr. Justin Villaflor — Medical Officer III Center for Health Development CALABARZON, Dra. Rubilyn Santiago — Medical Officer I (Molino RHU), at Ms. Khei Sanchez mula sa Mayor’s Office.
Ang lahat ng ito ay naging posible sa pangunguna ng City Health Office (CHO) sa pamumuno ni Dr. Ivy Yrastorza katuwang ang Department of Health (DOH).
LET US STRIKE AS ONE SA PAGSUGPO NG CANCER SA BACOOR!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.