Nagkaroon ng pagpupulong ang Bacoor Task Force NCov sa pangunguna ni Mayor Lani Mercado Revilla. Kasama si Armida Camposagrado ng Department of Health at mga nangangasiwa sa iba’t ibang ospital sa lungsod, tinalakay nila ang kasalukuyang kalagayan ng Bacoor kaugnay sa Covid-19.

Nagkaisa ang lahat ng mga ospital sa Bacoor na panatilihing protektado ang mga Bacooreño. Sama-sama, tulong tulong na ipapatupad ang mga action plans kung paano maging ligtas ang buong lungsod sa Covid-19.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani