Dahil isa sa mga prayoridad ni Mayor Strike B. Revilla ang kalusugan ng bawat Bacooreño, matagumpay na inilunsad ang MWELL Tele-Consultation noong nakaraang Sabado, March 25, 2023, sa covered court ng Barangay Molino II, katuwang ang City Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ms. Liliane De Roxas-Ugalde.

Isa ito sa mga proyekto ng UGNAY o ang Unang Ginang ng Barangay sa pangunguna ng First Lady ng Bacoor na si Ma’am Chaye Cabal-Revilla.

Bukod sa paglunsad ng online consultation na maaaring makatulong sa ating mga kababayang may sakit ay nagkaroon din ng Zumba Fitness at Kiddie Time kasama si Baby Chayeli Cabal Revilla, kung saan iba’t-ibang mga aktibidad pambata ang isinagawa.

STRIKE AS ONE sa Kalusugan, dahil sa Bacoor, AT HOME KA DITO.

Please like and follow our official social media accounts:

FB: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
Tiktok: https://www.tiktok.com/@citygovtbacoor
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Youtube: https://www.youtube.com/@citygovtbacoor

Maraming salamat po.

#CityGovtOfBacoor
#StrikeSaSerbisyo
#StrikeAsOne
#SaBacoorAtHomeKaDito