Sa isang pagtitipon na pinangunahan ng Tanggapan ng Punong Lungsod, nagkaroon ng isang kasiyahan at makabuluhang pag-uusap ang mga opisyal ng Molino Dental Circle noong ika-20 ng Marso 2024.
Ang nasabing pagtitipon ay naglalayong ipaabot ng personal ang mga hiling ng samahan sa ating butihing Mayor na si Mayor Strike B. Revilla.
Ang mga dumalo sa nasabing pagtitipon ay kinabibilangan ng mga opisyal ng Molino Dental Circle, kabilang sina Dr. Jennifer M. Del Rosario bilang MDC Counselor, Dr. Emelie Golmayo bilang MDC Treasurer, at Dr. Maria Teresita Dulatas bilang MDC Auditor. Sila ay nagdala ng mga kahilingan at mga plano para sa pagdiriwang ng National Dental Month dito sa Bacoor.
Ang pangunahing layunin ng pagtitipon ay upang maipahayag ng personal ang kahilingan ng Molino Dental Circle na magkaroon ng pagkakataon na mag-display ng kanilang mga advertisement para sa National Dental Month. Ang samahan na ito ay kasapi ng Philippine Dental Association at nais nilang magbigay ng kamalayan sa mga mamamayan ng Bacoor tungkol sa kahalagahan ng dental health.
Sa pangkalahatan, ang pagtitipon na ito ay nagpapakita ng malasakit at suporta ng Tanggapan ng Punong Lungsod sa mga samahang tulad ng Molino Dental Circle. Ang mga opisyal ng samahan ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa pagkakataon na makausap at maipahayag ang kanilang mga hiling sa ating butihing Mayor.
Ang Tanggapan ng ating Mayor Strike B. Revilla ay patuloy na nagbibigay ng suporta at pagkilala sa mga samahang tulad ng Molino Dental Circle na naglalayong magbigay ng serbisyo at kamalayan sa mga mamamayan ng Bacoor.
Ang pagtitipon na ito ay isang patunay na ang lokal na pamahalaan ay handang makinig at tumugon sa mga pangangailangan ng mga samahang ito.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.